Skip Navigation LinksHome - Lumang Tipan - 1 Cronica previous page            next page

Ang Unang Aklat ng Mga Cronica

Panimula:

               Ang Una at Ikalawang Aklat ng mga Cronica ay muling pagsasalaysay ng mga pangyayari sa mga Aklat ni Samuel at ng Mga Hari, ngunit mula naman sa ibang pananaw. Hindi ninanais ng may-akda na maglahad ng isang kasaysayan tulad ng pangkaraniwang pagkaunawa sa salitang kasaysayan. Sa halip, itinataguyod niya ang ilang pamamaraan ng pananampalataya para sa kanyang mga mambabasa, at para ipakita kung ano ang nararapat na kaharian ng Israel sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa mga paghahari nina David at Solomon, hindi kung ano ang aktwal na nangyayari, kundi kung ano ang dapat na nangyari.

               Nais ding ipakita ng may-akda na sa kabila ng mga kapahamakang dumating sa mga kaharian ng Israel at ng Juda, patuloy na tinutupad ng Diyos ang kanyang mga pangako at isinasakatuparan ang kanyang panukala sa pamamagitan ng mga nabubuhay pa sa Juda. Bilang batayan ng katiyakang ito, dinakila ng sumulat ang mga nagawa ni David at Solomon, ang mga pagbabagong pinairal nina Jehoshafat, Ezequias, at Josias, at ang mga taong nanatiling tapat sa Diyos.

               Layunin din sa aklat na ito na ilarawan ang pinagmulan ng pagsamba sa Diyos sa Templo sa Jerusalem at ang pagkakatalaga sa mga pari at mga Levita na siyang nangasiwa sa pagsamba. Sa aklat na ito, si David ang ipinakikilalang tagapagtayo ng Templo at ng ritwal nito, bagaman si Solomon ang nanguna upang ito'y maitayo.

Nilalaman:

previous page            next page

Mga Kabanata: 1 Cronica | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29

Lumang Tipan: Gen | Exo | Lev | Bil | Deut | Jos | Huk | Ruth | 1 Sam | 2 Sam | 1 Ha | 2 Ha | 1 Cro | 2 Cro | Ez | Neh | Est | Job | Awit | Kaw | Manga | Aw ni S | Isa | Jer | Panag | Eze | Dan | Hos | Joel | Amos | Oba | Jon | Mik | Nah | Hab | Zef | Hag | Zac | Mal

Deuterocanonico: Tb | Jdt | Estg | Kar | Ecc | Bar | Lih Jer | Aw ng 3 Kab | Su | Bel | 1 Mcb | 2 Mcb

Bagong Tipan: Mt | Mc | Lu | Jn | Gw | Ro | 1 Cor | 2 Cor | Ga | Ef | Fil | Co | 1 Tes | 2 Tes | 1 Tim | 2 Tim | Tito | Filem | Heb | San | 1 Ped | 2 Ped | 1 Jn | 2 Jn | 3 Jn | Ju | Pah