Ang Unang Sulat ni Juan
Panimula:
Ang Unang Sulat ni Juan ay may dalawang pangunahing layunin.
Una, hikayatin ang mga mambabasa na mamuhay nang may pakikipag-isa sa Diyos at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo.
Ikalawa, bigyan sila ng babala na huwag silang sumunod sa maling turo,
na masama ang daigdig at si Jesus na Anak ng Diyos ay hindi talagang tao. Sinasabi ng mga gurong ito na dapat
maging malaya ang tao sa anumang kaugnayan sa daigdig na ito para maligtas. Itinuturo rin nila na ang kaligtasan
ay walang kaugnayan sa moralidad o sa pag-ibig sa kapwa.
Bilang pagsalungat sa turong ito, malinaw na sinasabi ng sumulat na si Jesu-Cristo ay tunay na tao. Binigyang-diin
niya na kailangang mag-ibigan ang lahat ng nananalig kay Jesus at umiibig sa Diyos.
Nilalaman: