Ang Unang Aklat ng Macabeo
Panimula:
Ang Unang Aklat ng Macabeo ay isang paglalarawan ng mga pangyayari sa bansang Judio mula noong
panahon ni Haring Antioco Epifanes (175 B.C.) hanggang sa pasimula ng panunungkulan ni Juan Hircano (134 B.C.).
Ang pangunahing paksa ng aklat ay ang mga pagsisikap ng angkang Macabeo o Hasmoneo,
ayon sa paniniwalang sila'y pinili ng Diyos para magligtas sa Israel.
Binibigyan din ng pansin ang paksang panrelihiyon: ang Diyos ay nasa likod ng mga pangyayaring nagaganap sa kasaysayan,
at pinapagtatagumpay niya ang mga tapat sa kanya bilang gantimpala.
Nilalaman: