Ang Ikalawang Aklat ng Macabeo
Panimula:
Ang Ikalawang Aklat ng Macabeo ay buod ng limang aklat ng
kasaysayang sinulat ni Jason na taga-Cirene. Iniuulat dito ang mga
pangyayari sa kasaysayan ng mga Judio mula sa panahon ng pinakapunong
pari na si Onias III (bandang 180 B.C.) hanggang sa kamatayan ni Nicanor (161 B.C.).
Mayroon ding mga bahaging kasama ng mga pangyayaring inilalarawan sa mga unang kabanata ng
Unang Macabeo. Binibigyang-diin dito ang katapatan sa kautusan at
ang gantimpala na ibinibigay ng Diyos sa mga martir ng pananampalataya.
Nilalaman: