Ang Ikalawang Sulat ni Pablo kay Timoteo
Panimula:
Ang Ikalawang Sulat ni Pablo kay Timoteo ay payo sa isang nakababatang kamanggagawa. Katatagan ang pangunahing paksa nito.
Pinapayuhan ni Pablo si Timoteo at pinapalakas
ang loob nito upang magpatuloy sa matapat na pagsaksi para kay Jesu-Cristo, at matatag na panghawakan ang turo ng Banal na Kasulatan. Ipinapayo rin niyang gampanan
ni Timoteo ang kanyang tungkulin bilang guro at tagapagpahayag ng
Magandang Balita, at gawin ang lahat ng ito sa kabila ng mga kahirapan
at mga pagsalungat sa kanya ng mga tao.
May babala rin siya kay Timoteo tungkol sa mga walang kabuluhang pakikipagtalo na walang ibinubungang mabuti, sa halip ay
nagpapahamak.
Sa lahat ng mga ito, si Timoteo ay pinapaalalahanan ni Pablo na siya
man ay dapat maging magandang halimbawa sa pananampalataya, pag-ibig, at
pagtitiis maging sa gitna ng paghihirap.
Sa sulat na ito, si Pablo ay nagpapahiwatig na rin na siya'y maaring
malapit nang mamatay dahil sa kanyang pananampalataya kay Cristo.
Gayunpaman, naniniwala siyang may gantimpalang nakalaan para sa kanya
(4:6-8). Kaya naman ipinapaalala niya kay
Timoteo ang tunay na kahulugan ng kanilang mensahe:
"Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo,
mabubuhay din tayong kasama niya.
Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito,
maghahari din tayong kapiling niya." (2:11-12a)
Nilalaman: