Ang Aklat ng Amos
Panimula:
Si Amos ang unang propeta sa Biblia na ang pahayag ay naitala nang buo.
Kahit na siya'y mula sa isang bayan sa Juda, nangaral siya sa Kaharian ng Israel noong kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.
Noo'y panahon ng kasaganaan, at ang mga tao'y relihiyoso at matiwasay ang buhay. Subalit nakita ni Amos na ang mayayaman
lamang ang nananagana dahil sa kawalang-katarungan at pang-aapi sa mahihirap. Hindi taos-puso ang pagsasagawa ng mga tuntuning
panrelihiyon at ang katiwasayan ay panlabas lamang. Taglay ang malasakit at katapangan, ang propeta ay nagpahayag na paparusahan
ng Diyos ang bansang Israel. Nanawagan siya sa kanila na "padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog," at sinabi
pa niyang, "Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti. Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan, baka
sakaling kahabagan ni Yahweh ang matitirang buhay sa lahi ni Jose" (5:15).
Nilalaman: