Ang Aklat ng Ezekiel
Panimula:
Si Propeta Ezekiel ay nabuhay sa panahon ng pagkakadalang-bihag sa Babilonia, bago at matapos bumagsak ang Jerusalem
noong 586 B.C. Ang kanyang mensahe ay para sa mga itinapon sa Babilonia at sa mga naiwan sa Jerusalem. May anim na
pangunahing bahagi ang aklat na ito: 1) Ang pagkatawag ng Diyos kay Ezekiel. 2) Mga babala tungkol sa kahatulan ng Diyos
at sa darating na pagkawasak ng Jerusalem. 3) Mga pahayag ni
Yahweh tungkol sa kanyang hatol sa mga bansang umapi at nagligaw sa kanyang bayan. 4) Pag-aliw para sa Israel matapos
bumagsak ang Jerusalem, at pangako ng isang mas maningning na hinaharap. 5) Ang
pahayag laban sa Gog. 6) Paglalarawan ni Ezekiel sa muling itatayong Templo at bansa.
Sa aklat na ito, si Ezekiel, na tinatawag ni Yahweh bilang "anak ng
tao", ay may matibay na pananampalataya at malawak na imahinasyon. Karamihan sa kanyang mga
kaisipan ay dumating bilang mga pangitain, at inilahad niya ang karamihan sa kanyang mga mensahe sa pamamagitan ng mga
sagisag. Binigyan niya ng diin ang pagbabago ng puso at espiritu, at ang pananagutan ng tao sa kanyang mga kasalanan.
Ipinahayag din niya ang kanyang pag-asa sa pagbabagong-buhay ng bansa. Bilang
pari at propeta, mayroon siyang tanging malasakit sa Templo at sa pananatili ng kabanalan.
Nilalaman: