Ang Aklat ni Habakuk
Panimula:
Ang mensahe ni Propeta Habakuk ay nasulat nang matatapos na ang ikapitong siglo B.C.
noong ang Babilonia ay nasa kapangyarihan pa. Labis siyang nabahala sa
karahasan ng malulupit na taga-Babilonia. Kaya't naitanong niya kay
Yahweh, "Bakit hindi kayo kumikibo gayong pinupuksa nila ang mga taong
higit na mabuti kaysa kanila?" (1:13). Sumagot si Yahweh na siya'y kikilos pagdating ng
takdang panahon, samantala, "ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya"
(2:4).
Ang iba pang bahagi ng aklat ay pahayag tungkol sa kapahamakang darating sa
mga gumagawa ng kasamaan, at nagwawakas sa pamamagitan ng isang awit ng pagdakila sa Diyos at pagpapahayag ng
walang maliw na pagtitiwala ng propeta.
Nilalaman: