Ang Aklat ng Jonas
Panimula:
Ang Aklat ng Jonas ay naiiba sa mga aklat ng mga propeta sa Biblia
sapagkat ito'y kuwento ng pakikipagsapalaran ng isang propetang nagtangkang sumuway sa utos ng Diyos. Pinapapunta siya ng Diyos sa Nineve,
ang kapitolyo ng malawak na imperyo ng Asiria na mahigpit na kaaway ng Israel. Subalit ayaw ni Jonas sapagkat naniniwala siyang hindi
gagawin ng Diyos ang bantang pagwasak sa lunsod na iyon. Gayunpaman, pagkaraan ng
sunod-sunod na pangyayari, sumunod siya bagama't mabigat ang loob. Sa bandang huli ay nagtampo siya nang hindi maganap ang kanyang
ipinahayag na pagkawasak ng naturang lunsod.
Inilalarawan ng aklat na ito ang lubos na paghahari ng Diyos sa kanyang
mga nilikha. Ngunit higit sa lahat, inilalarawan dito ang Diyos bilang Diyos ng pag-ibig at
kahabagan na handang magpatawad at magligtas kahit sa mga kaaway ng kanyang bayan,
sa halip na parusahan at puksain sila.
Nilalaman: