Ang Magandang Balita ayon kay Lucas
Panimula:
Ipinapakilala ng Magandang Balita ayon kay Lucas na si Jesus ang ipinangakong Tagapagligtas ng Israel at ng
buong sangkatauhan. Ayon sa Aklat ni Lucas, si Jesus ay hinirang ng Espiritu ng Panginoon upang
ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita
(4:18-19). Kaya't kapansin-pansin na sa aklat na ito'y ipinapahayag
ang matinding malasakit ng Diyos para sa kanila. Sa ganitong paraan,
lalong nabigyang-diin ng may akda ang kahalagahan ng Magandang Balita
para sa mga mahihirap at naaapi.
Nangingibabaw din sa aklat na ito ang kagalakan lalung-lalo na sa mga unang kabanata na
nagsasalaysay tungkol sa kapanganakan ni Jesus, at sa mga huling kabanata na nagsasalaysay naman
tungkol sa pag-akyat ni Jesus sa langit. Ang sumulat ng aklat na ito ay siya ring sumulat
ng aklat ng Mga Gawa, na naglalahad naman ng paglago at paglaganap ng
pananampalatayang Cristiano matapos umakyat sa langit si Jesus.
Dito lamang sa aklat na ito matatagpuan ang mga salaysay tulad ng pagpupuri ng mga anghel at
ang pagdalaw ng mga pastol nang ipinanganak si Jesus, ang salaysay tungkol sa batang si Jesus
sa loob ng Templo, ang mga talinhaga tungkol sa mabuting Samaritano, at sa anak na naligaw ng
landas. Binigyan din ng matinding diin sa aklat na ito ang kahalagahan ng panalangin, ang
kapangyarihan ng Espiritu Santo, ang bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa ministeryo ni
Jesus, at ang pagpapatawad ng Diyos sa mga makasalanan.
Kapansin-pansin sa aklat na ito ang kakaibang pagpapahalaga ng may akda
para sa mga mahihirap at inaapi. Ipinapakita nito na si Jesus ay naglaan
ng kakaibang pakikitungo at pagmamahal para sa kanila.
Nilalaman: