Mga Panaghoy
Panimula:
Ang aklat ng Mga Panaghoy ay kalipunan ng limang tula ng pananaghoy dahil sa pagkawasak ng Jerusalem noong 586 B.C. at ang ibinungang pagkakadalang-bihag ng mga mamamayan
sa Babilonia. Sa kabila ng diwang pananambitan, may masisinag ding pagtitiwala sa Diyos at pag-asa sa hinaharap. Ginagamit ng mga Judio ang mga tulang ito sa kanilang taunang pag-aayuno bilang paggunita sa kapahamakang naganap sa kanilang bansa noong 586 B.C.
Nilalaman: