Ang Sulat ni Santiago
Panimula:
Ang Sulat ni Santiago ay kalipunan ng mga tagubilin sa "mga pinili ng Diyos na nasa iba't ibang bansa."
Maraming paglalarawan ang ginagamit ng sumulat para mailahad ang mga tagubilin tungkol sa karunungan,
maayos na pag-uugali at pagkilos ng isang Cristiano. Buhat sa pananaw ng isang mananampalataya, tinalakay niya
ang iba't ibang bagay gaya ng kayamanan, kahirapan, tukso, mabuting asal, pagtatangi, pananampalataya at
gawa, dila, karunungan, pag-aaway, pagmamataas at kababaang-loob, paghatol sa kapwa,
kayabangan, katiyagaan, at panalangin.
Binibigyang-diin sa sulat na ito ang kahalagahan ng gawang kasama ng pananampalataya sa pamumuhay Cristiano.
Nilalaman: