Skip Navigation LinksHome - Bagong Tipan - Colosas previous page            next page

Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Colosas

Panimula:

               Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Colosas ay para sa iglesya sa Colosas, isang bayan sa Asia Minor sa silangan ng Efeso. Hindi si Pablo ang nagtatag ng iglesyang ito, subalit may pananagutan din siya rito sapagkat nagsugo siya rito ng mga manggagawa mula sa Efeso, ang kapitolyo ng Roma sa Asia. Nalaman niya na may mga huwad na guro sa iglesya roon. Itinuturo ng mga ito na kailangang ang tao'y sumamba sa ilang "kapangyarihang espirituwal" para makilala niya ang Diyos at magkamit ng lubos na kaligtasan. Itinuturo pa nila na dapat pailalim ang tao sa mga tanging rituwal, gaya ng pagtutuli, at buong higpit na sundin ang mga tuntunin tungkol sa pagkain at iba pang bagay.

               Sumulat si Pablo para salungatin ang mga turong ito sa pamamagitan ng tunay na turong Cristiano. Ito ang buod ng kanyang sulat: si Jesu-Cristo lamang ang makakapagbigay ng lubos na kaligtasan. Ang ibang paniniwala at mga alituntunin ay naglalayo ng mga mananampalataya sa kanya. Sa pamamagitan ni Cristo, nilalang ng Diyos ang sanlibutan. Ang tanging paraan para maligtas ay ang pakikipag-isa kay Cristo. Inisa-isa niya ang kahulugan ng dakilang turong ito para sa mga mananampalataya.

               Kapansin-pansin dito na si Tiquico, na siyang nagdala sa Colosas ng sulat na ito ni Pablo, ay sinamahan ni Onesimo, ang aliping may kinalaman sa pagsulat ni Pablo kay Filemon.

Nilalaman:

previous page            next page

Mga Kabanata: Taga Colosas | 1 | 2 | 3 | 4

Lumang Tipan: Gen | Exo | Lev | Bil | Deut | Jos | Huk | Ruth | 1 Sam | 2 Sam | 1 Ha | 2 Ha | 1 Cro | 2 Cro | Ez | Neh | Est | Job | Awit | Kaw | Manga | Aw ni S | Isa | Jer | Panag | Eze | Dan | Hos | Joel | Amos | Oba | Jon | Mik | Nah | Hab | Zef | Hag | Zac | Mal

Deuterocanonico: Tb | Jdt | Estg | Kar | Ecc | Bar | Lih Jer | Aw ng 3 Kab | Su | Bel | 1 Mcb | 2 Mcb

Bagong Tipan: Mt | Mc | Lu | Jn | Gw | Ro | 1 Cor | 2 Cor | Ga | Ef | Fil | Co | 1 Tes | 2 Tes | 1 Tim | 2 Tim | Tito | Filem | Heb | San | 1 Ped | 2 Ped | 1 Jn | 2 Jn | 3 Jn | Ju | Pah