Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Galacia
Panimula:
Nang maipangaral ang Magandang Balita tungkol kay Jesus at matanggap ito ng mga
Hentil, lumitaw ang katanungan kung ang isang Hentil ba na nananalig kay
Cristo ay dapat pang pailalim sa Kautusan ni Moises. Ayon kay Pablo ay hindi na
dapat, sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya ay nagkakaroon siya ng
buhay kay Cristo. Dahil sa pananalig kay Cristo, pinapawalang-sala ng Diyos ang
tao. Subalit sa mga iglesya sa Galacia, isang lalawigang Romano sa Asia Menor,
ay may mga sumasalungat kay Pablo at nagtuturong kailangan pang pasakop ang
tao sa Kautusan ni Moises upang mapawalang-sala sa harap ng Diyos.
Ang layunin ng Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Galacia ay ang
mapanumbalik sa tunay na pananampalataya ang mga nadaya sa maling turong ito. Nagsimula si
Apostol Pablo sa pamamagitan ng pagtatanggol sa kanyang karapatang matawag na apostol ni Jesu-Cristo. Binigyan
niya ng diin na ang pagkatawag sa kanya bilang apostol ay nagbuhat sa Diyos
at hindi sa tao, at ang kanyang misyon ay sa mga Hentil. Pagkatapos nito, ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng pananampalataya magiging
kalugud-lugud sa Diyos ang tao. Sa mga huling kabanata ay ipinapakita ni Pablo na ang pamumuhay Cristiano ay
bunga ng pag-ibig na nagmumula sa pananalig kay Cristo.
Nilalaman: