Ang Sulat ni Pablo kay Tito
Panimula:
Si Tito ay isang Hentil na nahikayat sa Cristianismo at naging kamanggagawa ni Pablo sa pagpapahayag ng
Magandang Balita. Naiwan si Tito sa pulo ng Creta upang mangasiwa sa iglesya roon. Tatlo ang pangunahing paksa ng sulat na ito.
Una, ipinapaalala ni Pablo kay Tito ang mga katangiang dapat taglayin ng mga namumuno sa iglesya, lalo na sa
gitna ng maraming taga-Cretang masasama ang ugali. Ikalawa, pinapayuhan
ni Pablo si Tito kung paano niya tuturuan ang matatandang lalaki, ang matatandang babae (na siya namang dapat
magturo sa mga kabataang babae), mga kabataang lalaki, at mga alipin.
Ikatlo, pinapayuhan din si Tito na sumulat tungkol sa asal Cristiano; na siya'y
dapat maging mapagpayapa, mabuting makisama, at umiwas sa pakikipagtalo, at sa
mga alitan sa iglesya.
Nilalaman: